Monday, September 20, 2004

Bad trip! Ang daming kailangang gawin! Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa except yung project sa Psychology. Bull talaga!

Malapit ng mag Finals. And I am really working hard para naman wala akong dos. Gusto ko flat one ako kaya lang nakakatamad magsipag. Kaasar!

Lord, help me and guide me.

Uuy text niyo naman ako please...

God Bless.

Saturday, September 18, 2004

May phone na ako! Nokia 3660. Umm... Hindi ko alam kung paano i-operate yung manual iba ang language. Txt niyo ako! 09154558485...

Wednesday, September 15, 2004

Amazing Race @ Philippines

Waah... The long wait is over dahil ang Amazing Race ay 'dumating' na sa Pilipinas. (I can imagine vino-voice over tong tinype ko) Actually, matagal na silang dumating pero what I mean is that pinalabas na siya (As if di niyo ako na-gets).

Sobrang hyper talaga ako ngayong gabi nang mapanood ko ang episode ngayon. Grabe. Asteg talaga! Wala lang! I nver thought that the Philippines could look beautiful sa tv. Feeling ko ang ganda ng itsura ng Pilipinas sa Amazing Race.

Bonus pa ang pagkaka-yield nina Colin and Christie. Grabe! Sobrang relief yun kasi ayoko sa kanila pero at the same time, naaawa ako sa kanila. Pero syempre, its a game so, kailangang maging aggressive sila. Sana sina Charla and Mirna ay nasa game pa para sila ang magyield kina Colin and Christie. Wow! What a wonderful sight! Mag-uusok talaga ang mga butas sa katawan ni Colin! Haha!

I have a feeling na baka manalo pa sina Colin kasi parang sila yung naging underdog ngayon, so parang may motivation silang bago bukod sa 1 million dollars.

Siya nga pala, bakit si Lulli Arroyo yung nasa pit stop? Argh... Sana naman beauty queen... Miriam Quiambao or somebody beautiful para naman maganda ang tingin nila sa mga Pilipino. Hindi naman sa panget si presidential daughter pero hindi siya ang nararapat doon. Wala lang... Feeling ko lang...

I can't wait to see the finale...

Hindi ko pa nagagawa ang aming Research na ipapass bukas dahil sa Amazing Race...

Waah...


Sunday, September 12, 2004

I got to see the UAAP Cheerdance Competition live at the Araneta Coliseum. Whoah! My 130 bucks was really worth it.

My sister and I arrived at the Big Dome at around 1:00 in the afternoon and the place was jam-packed. As in! Sobra! Ang haba ng pila. Buti na lang may tickets na kami. Sa upper box kami, pero pagdating namin puno na ang mga seats. Sa may ADMU side kami nag-stay. Hindi kami naka-upo. Grabe! Ang sakit ng pwet ko kasi sa may sahig na kami naka-upo. Siya nga pala nakita ko yung elem friend ko. Si Victoria Ignacio! Hehe… Atenista pala siya! Natuwa nga ako kasi nakilala niya pa ako. Ayun hi-an lang. Hehe…

Anyway, ang ganda ng cheering! Soobra… As in! Iba pag actual mong napapanood. Astig talaga.

Tama ang bets ko kung sino ang mananalo. Hehe…

Waaahh…. Sana sa UP na lang ako nag-aaral para may UAAP din ako! Hehe…

For me…
Best Costume: UST, FEU (Sana sharp yung colors kasi yung uniform nila reminds me of BOYSEN)
Best School Crowd: UST, UP
Pinaka-makulit na Costume: UP (hehe… simplicity is beauty… hindi yan sarcastic…)

Ang astig talaga ng UST Dance Troupe…

Waah…

Ang dami ko pang gagawin! Damn it! Waah… Kaasar!

Friday, September 10, 2004

Nasa loob ako ngayon ng isang computer shop. Sira ang aming printer. Arghh... Ka-Bull-an naman oh! Ang dami ko pa namang kailangang gawin. Waah. Kaasar!

Semis na namin next week! Feeling ko wala akong alam. Waah...

Siya nga pala napanood ko na ang The Notebook. Hmm... Masgusto ko yung book kesa sa movie. Pero maganda rin naman yung movie kasi simple lang. Pero mas gusto ko yung book. Hay...

Ang dami kong biniling books kahapon kasi trip ko na talagang magbasa. Thanks sa mga naka-impluwensya sa akin! Gusto kong bumili ng book ang title niya yata Armageddon kaya lang ang mahal kasi eh. Kaasar!

Oi miss ko na kayo!

God Bless Mavie sa iyong audition!

God Bless Owpor! Azteg!