Sobrang Random Thoughts
::Ang aking summer ay puro tulog, kain, nood tv, isip, tulog tapos kain ulit::
::Naiirita ako sa kapatid ko at kay yaya::
::Shet! Wala pa akong mga gamit sa school. Ah... Ano nga ba ang gamit ng mga college students?::
::Nami-miss ko ang pagbili ng maraming school supplies sa National::
::Bakit ba hindi ako nagbabasa ng Harry Potter?::
::May binili akong libro, Suzanne's Diary for Nicholas, umm... okay naman. Siguro 2.3 out of 5. Gusto ko lang sa book ay simple yung pagkakasulat ni James Patterson. Tingin ko ang problema nung book ay hindi kasi 'na-build' yung isang character, Katie, eh... ang laki pa naman nung papel niya sa last part. Masyadong na-focus dun sa isang character, si Suzanne, eh... 'na-inlove' ka na sa character niya::
::Nagpa-deliver kami kagabi ng pizza. Nakuha namin yung free camera. Hehe... Ang cute!::
::Nababaliw na ako sa kaiisip kung anog shoes ang babagay sa uniform ko. Ayaw ko ng may heels, kaya maryjanes na lang. Pero ang mahal kasi eh!::
::Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha nag yearbook::
::Tinatamad ako::
::Niyaya ako ng aking friend na bagong lipat na pumunta sa ABSCBN. Kaya lang tinatamad talaga ako::
::Gusto kong manood ng All My Life (yup, yung kay Aga) pero ipapalabas din naman yun sa Cinema One eh::
::Ipapalabas ulit ang Titanic sa Channel 2::
::Sino kaya ang mas sisikat ang mga 'StarStruck-ers' o 'Questors'?::
::Shet! Ipapalabas ulit ang Titanic. Waah... Nakakaiyak talaga yun. Pang nth time ko na yatang manood ng Titanic eh::
::Marunong na akong magluto ng Mac and Cheese!::
::Yung kanta ni Sheryn Regis, yung Maybe, ka-tono yung kanta ni Sarah Geronimo. Pagkinakanta namin ni EJ, 'May...be... forever's not enough for me to love you...'Harhar::
::Gusto kong manalo sa lotto, kaya lang si yaya lang naman ang tumataya eh::
::Umm... Last Sunday, parang nakita ko si Marge (as in, Anne Margarette Maallo -- tama ba spelling?) sa simbahan. Tapos nung kelan lang, nakita ko naman si... si... what's his name? yung... ah, si Estella sa Harrison Plaza::
::Kinakabahan na ako mag-college::
::Shet! Kailangan ko ng magpa-lipo kasi may swimming din yung PE namin::
::Kung kay Dr. Belo ako magpapa-lipo, medyo busy siya kasi nag-aaway sila ni Osang eh (as if?!?!)::
::Magkabati kaya sila?::
::Gusto kong i-redecorate ang bahay namin::
::Sana marami akong maging friends sa Orientation (June 9)::
::Kinakabahan na talaga ako::
::June 14 pa ang pasukan ko pero wala akong klase pag-Monday kaya June 15 pa ang pasukan ko::
::Nakuha ko na yung Laking National Card ko::
::I love watching Oprah::
::Gusto kong magliwaliw ngayon::
::Ciao.Bye.Paalam::
GOD Bless You!