Kahapon ay nanood kami ng dalawang movies sa MMFF. Eto ang aking reviews na hindi naman masyadong pang-critic talaga. Basta... eto na...
So Happy Together
[Ang daming taong nanood sa G4]
[Puno talaga. As in SRO.]
[Mataas ang expectations ko sa pelikulang ito kasi ang ganda ng trailer. Feeling ko sobrang funny talaga yung movie.]
[It wasn't bad. It wasn't good. Average lang siya.]
[Yung mga funny moments dun sa trailer hindi na funny sa movie.]
[Naiirita ako sa boses ni Kris. Pati sa acting niya - if you call that acting. Hindi na truthful yung pag-arte. Yung parang halatang inaarte niya. Gets niyo ba? tapos, there's something about her face na parang nakakairita. Ewan ko. Dapat be herself na lang siya dun sa character na pineplay niya. Siyang siya naman yun eh.]
[In fairness kay Eric Quizon, maganda naman yung pagkaka-portray niya sa character na si Osmond. Natural. Parang bakla talaga siya.Grabe natawa talaga ako sa isang scene dun nung sinabi niya kay Kris, "blah blah... pekpek mo... blah blah." Shocking! Funny!]
[Funny na mediocre funny.]
[Kahit walang speaking lines ang mga Star Struckers ay okay lang. Parang hindi naman sila ganun ka-important. Yung twists sa story ay napaka-very out of nowhere. Alam niyo yun. Parang, "where did that come from?". Basta! Parang celery na hindi napapansin. Waah!]
[Ang pangit ng dubbing! As in sobrang pangit ng dubbing!]
[Ang pretty talaga ni Jennylyn. Yun lang! Pretty talaga niya!]
[Kung manonood ka ng So Happy Together sa pirated VCD na lang. Sayang ang pera ko sa G4.]
[4.7 out of 10]
Spirit of the Glass
[Nice yung acting ni Marvin Agustin. Kaya lang I get distracted with his nginigan style of acting. Umm... si Ciara Sotto ay wala lang. Parang wala lang. Sina Alessandra and Paolo Contis ang taga-balance ng scary feeling ng movie. Nakakatuwa sila kasi funny sila.]
[Maganda yung shots. Yung pang-build up ng suspense. Ayos lang.]
[Super predictable]
[Kahit na predictable siya ay natakot ako. Umm. Mababaw lang naman ako dun eh. It was nice.]
[Did I say predictable?]
[Ang pangit nung ending.]
[Mas maganda siguro kung bitin bitinan yung effect nung ending. Para hindi naman alam ko na yung ending.]
[Maganda yung musical scoring. Lalo na yung gitara. Kasi diba typical na yung piano instrumental sa mga horror films, na-astigan lang ako dun sa guitar scoring.]
[Pwede na tong panoorin sa Robinsons Place.]
[5.6 out of 10]
BTW, nakita ko rin dun sa G4 Cinema sina Alessandra De Rossi, Dingdong Dantes and Annabelle Rama.
Gusto kong mapanood ang iba pang films. Lalo na ang Enteng Kabisote at Pangahoy sa Suba at pati na rin ang Aishite Masu.