Naranasan niyo na ba yung panahon... yung panahon na talagang nasasaktan ka na... yung panahon na talagang damang-dama mo na sobra-sobra na lahat yung problema mo... yung panahon na gustung-gusto mo ng ma-iyak... pero, hindi ka maiyak?
Pinipilit mo yung sarili mo na maiyak. Umaarte ka. Nag-fifeeling ka na artista at pinipilit mong lumuha. May tumulo nga pero peke naman. Hindi siya tunay na mga luha. Yun yung mga iyak na hininog sa pilit. Yun yung mga iyak na hindi ka maka-konek.
Ang hirap kapag hindi ka maka-iyak. Mahirap talaga. Lalo na kapag ganyan at parang sasabog na yung puso mo sa samu't-saring lebel ng emosyon. Galit. Inis. Pagkabigo. Sakit. Pagkamuhi. Pagka-pagod. Pagsasawa. Basta! Yung mga masasakit na emosyon. Yung mga nakakaiyak dapat.
Ang dami kong nararamdaman ngayon. Madami talaga. Iba-iba. Sari-sari. Different, sa ingles. Di ko alam kung saan ako magsisimula.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-iyak. Bwisit!