Another day... Walang malaking balita. I checked UP's site pero as usual, ganun pa rin ang nakalagay... (Mid-February chu chu) Hay... kinakabahan na ako! Wish ko lang pumasa ako... Para naman makabawi ako sa pagkakabagsak ko sa UST... Damn it! I really don't know what went wrong... Ako ba talaga ay hindi destined para sa UST at talagang binagsak ako o sadyang stupid lang ako at hindi ako pumasa sa entrance exam nila... I like to believe na hindi talaga ako destined para sa UST... Hay... Ang sakit talaga sa pride! Kasi naman... the test was easy (especially the Math test) pero bumagsak ako. Imagine, mas mahirap pa ang periodic test ng Masci! Kaasar!
Tama na! Tama na ang ka-bullshit-an na ito! I should get over this! Hindi lang naman UST ang university dito sa Pinas, eh. Di ba?
Kanina, sa school... may career talk! In fairness, ayos yung mga speakers. Not that boring... pero at some point, inantok din ako. Yung topic? The usual. Tungkol sa mga universities, sa courses, sa advantages at disadvantages ng working abroad, at iba pa. Somehow, may napulot naman akong insights. Na-encourage na akong mag nursing ('ya know the money ish). Pero architecture pa rin talaga ang gusto ko.
Hindi pa ako nakakapagbasa ng bible... Ewan ko! Paminsan ginaganahan akong magbasa tapos biglang tatamarin ako. Feeling ko tuloy napaka-plastik ko pagdating sa religious issues. I mean, I believe in God. I try to act like a better Christian but there are some things, some events that hinder me to become one. Parang ang daming hadlang... Paminsan kasi napaka-holy ng dating ko. Paminsan napaka-sama ng ugali ko. Nag-ca-clash!
Wala lang...
Siya nga pala kasalukuyan akong nanonood ng Princess Diaries sa Disney Channel :)
Haha... Feeling ko napaka-walang kwenta ng first serious entry ko! Ayos lang blog ko naman to eh! Di bale next time, mas serious at mas relevant na ang mga entries ko dito.