Tuesday, August 09, 2005

Sobrang adik na adik na ako sa mga pirated na DVDs. As in!

Nakwento ko nga dito rin na napanood ko na ang buong season ng Alias. At noong kailan lang ay bumili ako ng DVD ng LOST Season 1. Tapos ko na siyang panoorin sa DVD.

Ay! Asteg! Grabe! Itong series na ito ay super nakakapang-nging ng laman. At nakakapagpapataas ng balahibo. Grabeh! Super mind-boggling. Astig talaga! Panoorin niyo! Ganda! Sulit yung bili ko sa piniratang DVD.

Next na punterya ko ay ang pagbili ng piniratang DVD ng Friends (Seasons 1 - 10), Sex and the City (Seasons 1 - 6). Pag-iipunan ko talaga!

Siya nga pala nakaka-irita ang CAP dahil hindi ko pa rin nakukuha yung pera ko! Kaasar!

Hmm... Failed 2 of my 3 prelim exams sa Anatomy. Di bale babawi na lang ako sa midterms which, by the way, ay next week na! Di pa ako nag-aaral. Ang haba pa naman ng mga chapters! Ay, LORD help!

This Thursday ay community na namin. Excited and kabado ako. Sana okay naman ang maging community namin sa PAGRAI.

Hmm... I'm thinking of applying for a job in our health center. Ewan ko! Sign please! LORD, pahingi ng sign.

I'm super proud of Monique Lhuillier and Cesar Montano! As in! Gusto ko mapanood ang Great Raid para mabigyan ko ng support si kapwang Pinoy na si Cesar Montano. At si Monique Lhuillier, gosh! Grabe! Na-infiltrate niya na ang Hollywood fashion circle whatever chuva ek ek... Imagine! Galing noh!

I'm Pinoy! And I'm PROUD to be one!