They Are Here
Nag-overnight sina Rocel, Beth, Iris, and Stella sa bahay. Gumawa kami ng project sa Anatomy. Actually, tulog pa sina Beth, Iris, and Stella ngayon. Kami pa lang ni Rocel ang gising. Ako ang unang natulog kaninang madaling araw. Hehe. Antukin!
SNA Meeting
Ang SNA Meeting ay panira sa buhay ng isang estudyanteng walang paki sa current events ng kanilang paaralan. Dahil sa ako ay VP (thanks to Stella), napilitan akong pumunta kahapon sa school (kahit holiday) dahil sa hindi makakapunta ang aming President sa meeting.
Ang tagal nung meeting! Sobra! Mga 930 nagsimula. Natapos ng mga 200. Ang tagal talaga! Ang dami pang pinag-usapan na super ewan! Wah... Sayang ang oras ko kagabi. On the other hand, para namang feeling responsible ako. Hehe. Mamaya may meeting na naman. Eh, wala kaming class ngayon. Baka mag-utos na lang ako ng ibang tao. Siguro sina Ayden and M na lang ang uutusan ko. Malapit lang yung bahay nila sa school eh.
50 First Dates
Wah... Naiyak na naman ako kagabi. Napanood ko na rin sa wakas ang pelikulang nabanggit! Wah. Danda danda niya!
SNA Week
Sana ay wala na lang class sa buong week.