Wednesday, March 24, 2004

gusto ko sanang simulan ito ng sobrang saya pero napag-isip ko na mas maganda kung ayon sa oras ang aking pagkwekwento...

tumawag si nabong sa bahay kaninang umaga habang ako ay busy sa banyo at naliligo. sabi ng aking dear sister ay pinagdadala ako ni nabong ng necktie. magkita daw kami sa jbee un. tumawag ulit siya at sinabi niya ulit iyon sa akin. so, pumunta ako. pagdating ko dun wala pa siya. umalis ako. pumunta akong school dahil inaakala ko na nandun na siya pero wala pala! grabe! buti na lang at mabait yung guard dahil pinalabas niya ulit ako. siya nga pala mabuti rin at nakita ko si blessica at david dahil sinabi nila sa akin na si nabong ay nandun sa jbee. so nagkita kami at nagbihis siya. gusto ko sanang bumili ng food kaya lang nagtitipid ako eh (nagtitipid--since when?). pagdating dun ay siyempre practice na naman. si maam agravante ang moderator nung umpisa kaya lang... napaka-mapang-asar talaga ng aming batch at ayaw namin siyang sundin. nairita ang kawawa mong lola at pinag-break na lang kami. actually, naaawa na ako kay maam agravante kaya lang di ko talaga magawang maawa ng tuluyan sa kanya. tsk tsk tsk. too bad. nung si maam carlos na yung nagppractice sa amin, maasyos na. sort of... sort of... dahil sa may gagawin program sa audi, pinag-ayos na lang kami ng clearance tpos at 1500 ay intrams. nakakairita nga lang kasi hindi pa rin tapos ang clearance namin. sheesh! ampotek! naglinis kami ng chem room. konti lang ang tumulong halos puro girls except arman (nilalakad ang clearance), ejay, peter, pags at sino pa ba? yun lang yata eh. kairita! sumabay pa yung akit ng katawan ko. ewan ko ba! ang sama talaga ng pakiramdam ko. ang sakit ng ulo ko... latang lata ako. poor me! siya nga pala thank you vanny dahil binigyan mo ko ng ammonia. natuto rin akong mag gitara ngayong araw na ito. actually, yung intro lang ng stay ni lisa loeb. yipee! thank you paula at nabong!

intrams.

first game: renjen vs moshies. yipee! panalo kami! ang close nung laban! lord salamat at pinabayaan niyo kaming manalo. sa moshies, congrats din dahil masaya ang laban. etong si maam carlos... papampam na naman kasi ayaw na naman kaming pag cheerin (read as: tsi-rhen) ayos lang. eto lang yata hinihintay ng katawan ko eh. nawala sama ng pakiramdam ko. congrats sa amin! at sa moshies! oi moshies may next game pa pala kayo.

second game: nuhtohn vs. lorenz. panalo lorenz. too bad gusto ko manalo nuhtohn eh... siyempre... lorenz tumalo sa amin. pero ampotek! ang lupit ng laro nila. puro deuce... heart stopping game... grabe!ang galing nila ross, roel, junnard, reineer, merwyn, diego! si jason, mike, albert, harold, erick, sino yung isa? i forgot. anyway. ang ganda talaga nung laban! sobrang galing nila! may laban pa naman ang nuhtohn eh... so oks lang...

third game: lawrence vs townes. panalo townes. neutral ako dito eh. kasi may chinecheer ako sa lawrence (ak, xy) at sa townes (kris)... wala lang... congrats na lang sa townes... ak, sigaw na lang tayo!

ang baba magbigay ni maam correa ng grade sa themes....
ampotek!

lord salamat at nanalo po kami...
your will be done!