Friday, March 19, 2004

pinagalitan na naman kami ni maam agravante at ni sir bangayan. (bakit ko ba sila pinag-aaksayahan ng space sa blog ko?) nakakairita! sabi nila last wednesday na whole day intrams ngayon pero biglang papaakyatin kami sa audi para mag-practice! peste!

intrams.

first game ang moseley boys at newton boys. kampi ako sa moseley dahil kay ahem. at ahem. pero sayang at natalo sila. faraday girls vs townes girls. kampi ako sa faraday pero natalo sila. faraday boys vs townes boys. kampi ako sa faraday at nanalo sila. newton girls vs townes girls. neutral ako. talo ang newton pero may reklamo sila. kasi itong si ricky boy ay linesman. tapos tumira si preecess. sabi ni ricky boy ay 'out' yung ball. pero mas marami ang nagsasabi na 'in ' yung bola. ngayon, magpapa-rematch sila. sa tingin ko ay dapat na lang ituloy yung third set. di ba?

thought. bakit ganun? parang maraming kampi sa newton dahil na dehado sila at parang okay lang na magparematch sila... pero nung ang roentgen ay magpaparematch vs lawrence ay parang walang kampi sa amin gayong kami ang dehado? grabe noh? kaiba...

si maam carlos ngayon parang iba. kairita siya ngayon. ang dami niyang reklamo. ayaw niya ng maingay. pero hello?!?! ang hirap kaya i-contain ang iyong emotions lalo na sa mga ganitong events! tapos sinabihan pa daw niya na sana matalo ang faraday kasi ang dami nilang kaartehan sa paglalaro. hello!?!? parang its none of our business na di ba? kasi style nila yun. malay mo dahil sa style na yun ay maaari silang manalo o matalo. grabeh...

gosh!

ang dami ko ng namimiss! as in! mga euclid boys and girls (si rengel)... urey boys and girls... darwin boys and girls...

nalaman ko si anne public health din... yipee! may kakilala na ako!

hayy... paos ako ngayon...

miguel --- congrats! VALEDICTORIAN!
glaiza --- congrats din!
jamie --- congrats!
jade --- congrats!

sino pa ba? basta congrats sa inyo!

GOD Bless us all....