Naranasan niyo na ba yung sobra kayong mainis at wala kayong magawa kung hindi umiyak? Ang hirap noh? Nakakaasar. Wala kang magawa - yun yung mahirap, eh.
May take home test kami sa CAT (itong pa-importanteng subject na ito ay isang basehan ng aming status kung kami ay gragradweyt ba o hindi). Due siya tomorrow. Kaninang umaga inutusan ko si yaya na humingi ng listahan ng mga ordinances ng barangay (yun ay part nung test na sobrang haba) dun sa barangay hall. Syempre inutusan ko siya dahil ka-close niya yung mga tao dun, eh. Ayun akala ko okay na...
Sa school, ayun! Patong patong yung mga gagawin ko. Wala pa akong mga proj, ntbk. Tapos may mga pinapagawa pa si Ma'am Carlos (para sa graduation). May street dancing bukas. Buong araw kaming nagpractice at ang sakit sakit na ng katawan ko. Ang daming nangyari sa school (which I don't want to divulge because it is a very delicate matter). Hindi ko pa memorize yung dance steps. So, pag-uwi ko ng bahay akala ko medyo maayos na yung madadatnan ko pero marami ngang namamatay sa akala...
Tinanong ko si yaya kung nasaan na yung pinagagawa ko sa kanya. Wala pa daw sabi niya. Sabi ko kunin niya at marami pa akong ginagawa. Sabi naman niya samahan ko daw siya. Potek! Hello?! Nahihirapan din ako. May buhay din ako. Marami akong ginagawa. Potek! Leche! Pucha! Tak-te! Hindi lang yun ang kailangan ko. Ang dami ko pang kailangang gawin. Potek! Nagdasal nga ako dahil masyado akong naiirita. LORD, please tulungan mo po ako. Papa Jesus... Pleasee.... Tapos nairita ako at pumuntang Jollibee kasi nga naiirita ako. Plano ko sana ay wag umuwi ng bahay at papalipas ng oras pero potek naisip ko kapatid ko at bumili na lang ako ng ice cream para sa kanya. Potek!
Alam ko wala akong 'K' para magdemand ng masyado kay yaya, pero hindi ko maiwasan. Lam ko rin na pagod din siya. Sorry kung brat ako. Pero marami lang talagang mga bagay na nag-udyok sa akin na kumilos ng ganito. Hindi naman ako ganito eh. You know me!
Ya, kung mabasa mo man ito ay SORRY. SORRY.
Val, Jax, Riz -- Sweldo ko!
Ejay -- Congrats!
Alam niyo, ang mabuting bagay lang na nangyari ngayong araw na ito ay minove yung performance sa filo.
Pasensya na... at di ko mapigilan...
Last na to, POTEK!
LORD, Help please...