Wednesday, April 21, 2004

naaalala ko pa nung ang meteor garden ay nasa channel 2 pa at ang f4 ay sikat pa, sabi ni dao ming si kay shan cai, “mga bobo lang ang nagkakasakit tuwing summer.” siguro nga ay bobo ako.

Nung Monday afternoon ako nagkasakit. Ewan ko ba? Ang dami kasing problems eh. Sobrang dami talaga. Kaasar! Grr… Umm… nung Monday pumunta akong madocs para magsubmit ng application form ko para sa nursing kaya lang hindi ako pwede kasi may weight requirement. Grr… kawawa naman ako… Kailangan ko ng magseek ng professional help. Calling calling Dra. Belo or Dr. Calayan… Wala lang… sa trinity college hindi rin ako pwede kasi dapat nasa upper 40% ako… kaya lang ako ay nasa upper 50%. pang 99.5 ako sa ranking. wala lang. siguro ay pinag-u-UP talaga ako ni GOD... ewan ko ba?!?!?!nakakaasar talaga ako. hindi ko ginalingan ngayong 4th year. masyado akong kampante. tsk tsk tsk tsk tsk… ano pa ba ang magagawa ko? wala na naman… hay buhay…

tapos… hmm… hindi ako sumama sa lakad ng roentgen… well, bukod sa kailangan kong magtipid ay kailangan ko ring magpahinga dahil sa ako ay maysakit. hanggang ngayon ay di pa rin ako okay… sheesh…

umm… kahapon pumunta dito si mavie… kinuha niya ang kanyang mga gamit… ayun… wala lang… nagkwento na naman ng problema niya sa kanyang lab lyf… hehe… tapos pupunta silang boracay… yipee… swerte… syempre may pasalubong ako!!! Har har… ayun… ano bang ginawa nun dito? Hmm… habang ako ay naghihilik siya naman ay bising-bisi sa pagtatawag ng mga friendships niya dahil sila ay walang telepono… joplonx talaga… wala lang… ayun… matapos niyang magtelebabad… ako naman ang nagtelebabad… nagusap kami ni gerry… grabe… tawa ako ng tawa… wala lang.. kwentuhan lang kami… tapos ayun…

napanood kong muli ang american idol sa abc 5 tapos… 3rd cut na kasi… (yung 2nd individual singing…) wala lang… di ba 3 rooms yun… tapos yung 1st and 3rd room ay ‘in’ tapos yung 2nd room ay ‘out’. nakita ko si george huff sa 2nd room… so dapat ay eliminated na siya…. pero bakit siya umabot sa 12 finalists…. wala lang… hmm… mas tumagal pa siya kay camille…

speaking of american idol, grabe… adik na adik na talaga ako sa american idol… ju-moin ako sa idol forums (message board solely dedicated to american idol)… wala lang… sumali din ako sa jasmile coalition (parang jasmine plus camile)… wala lang…

siya nga pala, mamaya… ALIAS… STUDIO 23… 2100…

waahh… ang dami kong sakit… may lagnat ako… tapos may sugat pa ako sa left na paa ko… tapos masakit yung ears ko…. tapos nahihirapan akong lumunok…. ang hirap kumain…. hehe… waaaaaahhhhhhh

waahh....

bakit ba ganun, para maging masaya kailangan may magsacrifice? and why does it have to be my dream? alam ko, iniisip nila ang kapakanan ko, pero...hindi ba dapat mas alam ko ang mas makakabuti para sa akin? syempre mahal ko sila... ayaw ko silang masaktan... kung pwede lang lahat ng kailangan nila ay ibigay ko na sa kanila... pero bakit parang ang hinihingi nila ay napaka-hirap... oo, alam ko, marami na silang sinacrifice para sa akin -- para sa amin... pero bakit ganun? hindi ba pwedeng pareho kaming maging masaya?

GOD BLESS....