Thursday, April 22, 2004

pumunta akong trinity college ngayon dahil talagang mag nunursing na ako. may mga bagay na sinabi sa akin si gerry na medyo nagstruck sa akin. basta may impact. tapos kumuha rin ako ng college app form sa delos santos med center-sti. wala lang. ang cheap noh? imagine, mascian tapos ang bagsak sa sti. sheesh. so much for being a mascian. umm... kagabi, may shocking na nangyari sa akin. may letter akong na receive galing naman sa ama. sabi dun sa letter pumasa daw ako sa test nila at ang daming priveleges kaya magenroll na daw ako. wala lang. tumawag nga ako sa aking mga friends para tanungin kung may natanggap din silang letter. nakatanggap si gladys, nabong, jenna, dee, jecca. funny thing, hindi naman kami nagtest dun pero pumasa kami. haha. except for nabong. si nabong nagtest dun pero april 16 siya nagtest tapos yung letter na nagsasabi na pumasa siya is dated april 13. o di ba? barbero. hehe. sana nagsulat din ng ganun ang ust sa akin... huhu... :( waah... tapos kong pumunta trinity dumaan akong quiapo. nagdasal. tapos nakipag 'x-deal' a.k.a. 'covenant' ako kay LORD. sabi ko pagpumasa ako maglalakad ako ng paluhod sa aisle. IM VERY WILLING TO DO THAT. whew... grabe...