Friday, October 21, 2005

Good morning!

Aling Cello
Ang mga doughnut ba ng Cello's Doughnuts ay gawa ni Aling Cello? Siguro, kasi nga di ba Cello's doughnuts. Noong pumunta kami two days ago ng aking friend na si Beth at si Arrell sa bahay namin para manood ng The Ring, kami ay dumaan muna sa Cello's. Haay... Ang kulay orange na lugar na yun ay infiltrated ng mga La Sallians or CSB peeps na naghahanap ng masarap at matamis na pagkain. Medyo mahaba yung pila, pero okay lang.

Cello Girl: Ano po order niyo ma'am?
Kaye: Umm, two dozens ng doughnut, assorted tsaka, pillows na may chocoloate dip.
Cello Girl: Ay wala na po kaming pillows.
Kaye: Eh, yung C-shaped doughnuts?
Cello Girl: Wala na rin.
Kaye: Ah, ganun ba? O sige, one dozen of doughnut na lang. Assorted. Tsaka yung mini.

Inabot ang pera. Kinuha ang sukli. Hinihintay ang orange and white boxes.

Kaye: Buti nalang may nag-franchise na ng Cello's dito sa may Vito Cruz. Ang alam ko lang kasi na Cello's ay sa Katipunan. Ang layo!
Cello Girl: Ay, hindi to franchise. Branch po ito. (in a super irritating kind of way)
Kaye: (imitating Toni Gonzaga, to hide my embarassment) Ah, ganun ba. Sorry ha.

Okay. Dun kay Cello Girl, thank you for informing. No thanks din! Buti na lang masarap ang doughnuts niyo! Hehe. I know naman she didn't mean to irritate me. Pero, sige forget nah!

Princess Sarah
Kasalukuyan akong nanonood ng cartoons ng Channel 2. Grabe! I missed this. As in. Na-miss ko si Sarah, ang munting prinsesa.

Bible Words
Please read 1 Timothy 1.

My Being OC
I'm a certified Obsessive Compulsive female. Females are sort of born OC. Tapos OC pa! Super OC na talaga ako. Kaya, for the two weeks na walang klase ay super i-pplan ko ang aking bawat araw. I'm excited.

Where can I buy an organizer na cute, pink, blue, purple, at ang time for the daily sched ay 24 hours? Gusto kong pumunta sa isang Office Warehouse (office warehouse ngza ba?) branch kasi may nabili ang aking friend na si Cari, na close to that description.