Saturday, October 23, 2004

Halloween's just around the corner (As if!). And my yaya's birthday is just a few days from now.

October 29 ang birthday ni yaya. She'll be 61 years old, nah. Sabi ko sa kanya na it would be better if we will celebrate her birthday sa October 31 para yung concept nung birthday niya is Halloween-ish. So, gagawa ako ng mga invitations para sa mga guests niya - ako, sister ko, anak niyang dalawa, apo niyang di ko na mabilang, at sina ingga Grace. Excited na talaga ako kasi hands-on ako sa birthday niya. As if! Palagi naman akong nakikialam. Hehe. Gagawan ko siya ng costume niya kasi siyempre siya yung celebrant. Iniisip ko nga na maypagka-fairy yung dating niya eh. Ako gusto ko witch para cute. Cute. Bagay na bagay sa akin ang witch. Hehe. Sabi ni Pau sa akin gusto niya demonyita effect yung costume niya. Red and black yung motiff niya. Yung sister ko naman - dedma lang.

Excited na ako talaga! Siyempre all made up kami dapat. Tapos yung lights sa house dapaat may pagka-cabaret yung dating. Hindi naman cabaret pero basta yung dark. Basta yung mag-suit sa atmosphere na gusto kong i-project. As my yaya's official party planner a.k.a. pakialamera, eto yung mga things na gagawin ko: invitations, costume, food, scary flick, music, lights, documentation, banners, gifts, etc.

Invitations
Gusto ko nga may picture ni yaya, eh. Kaya lang magastos. Pero konti lang naman yung bibigyan ng invitations. Actually, apat lang ang kailangan kong invitations. Isa sa amin ni Kamille, sa mga anak niya, kay Pau at kay yaya. So 'yun na nga. Basta!

Costume
Kay yaya: Fairy. Basta ipapatong ko lang yung whatever na magawa ko. Tapos lalagyan ko siya ng glitters, stars, whatever, etc. Tapos, hmm, basta may blue siyang make-up. Sa akin: bibili lang ako ng pointed na hat. Carry ko na yun. Kay Kamille: baka angel naman yung dating niya.

Food
Sabi ni yaya bibili daw siya ng Pancit Palabok, KFC Bucket. Ako naman ay gagawa ng mango float (siyempre siya bibili ng ingredients), pizza (money ko na 'to), and cake (pipilitin ko pa si Kamille). Basta!

Scary Flick
After na 'to nung buong gabi. After eating baka mag-sleep over si Pau dito para nood kami ng movie. Siguro, The Others, The Texas Chainsaw Massacre, The Ring. Actually, wala pa akong idea. Kaya please bigyan niyo naman ako ng idea.

Music
Thanks to the ever-reliable Magic 89.9! Mga burned din na CDs.

Lights
Balak ko, i-co-cover ko yung mga ilaw sa bahay ng mga cellophane para naman asteg yung dating. Excited na talaga ako!

Documentation
Umm, yung cellphone ko tapos disposable na camera or hiram na lang kami ng camera kay tita Grace.

Banners
Print na lang ako sa computer!

Gifts
Yung service na yung gift ko! Ewan ko! Siguro, bibili na lang ako ng something na maganda or something na useful. Panty na lang!

I'm so excited!

Kagandahang Vyna Gin Constantino, Happy 18th Birthday! Mwah! I wish you all the best! May the LORD shower you with all the blessings! May you continue to be a faithful servant of Christ! I love you, my friend! Ingat! God bless!