Sunday, October 31, 2004

Suki na ako sa computer shop na ito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan nito. Hindi ko na mabilang ko ilang beses kong pinasalamatan na may isang computer shop na malapit sa bahay namin na bukas araw-araw, 24 hours non-stop. Sa tuwing sira ang computer ko, o di naman kaya ay walang ink o pwede ring wala akong internet card, parang hulog ng langit itong computer shop na ito. Tatawagin ko na lamang ito bilang ang Shqwak.

Shqwak. Ang Shqwak ay isang salitang inimbento ko ngayon ngayon lang. Gaya nga ng sinabi ko ay hindi ko alam kung ano ang itatawag ko dito sa computer shop na kinalalagyan ko sa kasalukuyan. Yun na nga, ang Shqwak.

Maganda sa loob ng Shqwak. Malinis siya - medyo. Malamig. Masarap mag-internet, gumawa ng project. Pwedeng palamigin ang utak na aburido. Pwedeng pakalamahin ang taong nagmamadaling matapos ang isang thesis or project.

Ewan ko ba? Ah basta! Ayun na nga...

Itutuloy...

God Bless y'all!

Happy Halloween!