aba... nakakagulat naman to... bago na ang anyo ng blogger ah... may pa dashboard dashboard pah! asteg! masgusto ko toh!
anyway, kahapon ay nalaman natin na si amber ang nakakuha ng isang milyong dolyares. kahapon din, ay narinig natin ang mga hinanakit ni lex, kathy, big tom at alicia. kahapon din ay nagpropose si rob kay amber. kahapon ay umiyak ako dahil sa natanggal si rupert. kahapon din ay naisip ko na parang gusto kong maging comelec chairwoman.
ang daming nangyari kahapon.
natanggal si rupert. naiyak ako kasi siya na lang ang gusto ko sa mga natira. eh, wala naman akong magawa. hmm... sayang. ayun. siyempre pa, nawala rin si jenna. eh di ang dalawang love birds na nga lang ang natira. hay... ayun. grabe, tuwang tuwa talaga ako kasi sobrang anghang ng mga sinabi ni lex, kathy, big tom at alicia. pero kung iisipin mo, dahil sa laban nga ang SURVIVOR maaaring ngang pwede na nating pagbigyan ang talaga namang kamuhi-muhing ginawa ni rob. marahil, kung si lex ang nasa kalagayan ni rob, ganoon din ang ginawa niya. waah... gusto ko lang makuha yung mga speech nila nung final two. ang ganda talaga. congrats na lang kay amber.
umm... yung wedding proposal ni rob... hmm... sweet, pero hindi unique. tsaka mas gwapo si rob kung may balabas siya. hindi na siya hunk ngayon eh.
gusto ko maging comelec chairwoman at palitan si abalos dahil i feel na mas kaya ko pang i-handle ang election. as usual, hindi na naman sigurado ang taong bayan kung sigurado ba ang kanilang mga boto... haay... sana lang wag manalo si fpj (lord, pleaseeee).
ngayong araw na ito, dumaan si mavie dito... binigay niya yung pasalubong ko. hehe. ang kuripot talaga nun. bracelet tsaka piayaya lang. pero, salamat na rin. wish ko pa naman ay sarong at buhangin.
anyway, nag-experiment kami ng food kanina. ang pangalan niya ay 'krystle's balls'. ano siya, mashed potato with ground pork and chicken. tapos binilog namin. sabi ni maverick masarap daw pero mabigat sa tiyan. malamang -- patatas, eh. ayun.
napanood ko kanina yung marathon sa abc 5 ng american idol. ngayon ay na e-lss ako sa kanta ni camile na son of a preacher man.
waah...
ang dami kong kailangang asikasuhin. kaasar!
LORD, help me please...