Wala na si Jasmine Trias sa American Idol. Pero, kahit na ganoon nga ang nangyari, ako ay masaya pa rin dahil ipinakita niya (at ni Camile) na talaga namang may ibubuga ang mga Pilipino sa kahit na anong larangan.
Malungkot ako dahil sa dami ng kanyang napagdaanan (ang mga dakilang bashers ng ibang mga contestants) mauuwi lang sa wala ang lahat. Pero masaya na rin ako dahil sa hindi na siya 'aawayin' o di nama'y 'pagbintangan' ng kung anu-anong mga bagay.
Nagsimula ang lahat ng mga isyu dahl sa pagkakatanggal ni Jennifer Hudson. Ang sabi ng iba nang si Fantasia, La Toya at Jennifer ang nasa bottom 3, rascist daw ang American Idol. Bakit rascist? Siguro, dahil sa parehong Black Americans ang tatlong ito. Pero, hindi ba't nung mga naunang episodes, nang si Camile at si Jasmine ang nasa bottom 2, wala namang lumabas na issue ng rascism. Kung tutuusin, dapat nga ay naglabas ng issue na ganoon. Bakit? Una sa lahat, ang dalawang ito ay Asian Americans. Hindi ba't nasa minority sila? Pangalawa, silang dalawa ay galing sa Hawaii. Hindi ba't pwede rin natin silang akusahan ng discrimination dahil sa wala sila sa main land?
Sabihin natin na ang ideal na top 3 ay ang tatlong 'divas', at ang American Idol ay isang paligsahan sa pagkanta, pero sila (ang mga producers,etc.) na rin ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga tao para pumili kung sino ang gusto nilang maging American Idol, kaya sa tingin ko ang pagkakatanggal ng mga ideal American Idol ay okay lang. Okay dahil yun ang napagdesisyonan ng tao. Kaya sa tingin ko ang mga masasakit na mga paratang kay Jasmine ng iba't ibang tao ay below the belt na. Kung natanggal man ang kanilang paborito, yun ay dahil sa tamad silang mga fans.
Kaya nandoon si Jasmine ay dahil sa matibay at malaki niyang fan base. United ang kanyang mga fans hindi tulad ng iba.
Haay... Pero kahit na wala na siya sa American Idol, alam ko na magtatagumpay siya sa kanyang pagkanta dahil sa napakahusay niya. Look at William Hung...
Ay... Additional... Sa tingin ko, ang dapat na nanalong American Idol ay si La Toya London. At si Simon Cowell lang ang pinaka-matinong judge sa tatlo.
Grabe. Naiirita lang talaga ako sa mga nang-aaway kay Jasmine. Sobra. Nakakaasar. Para siyang si John Stevens na talaga namang maraming ipinupukol sa kanilang pagkatao. Hindi yun tama.
Grabe.
Leah -- i never liked her. she lacks the 'it' factor. i mean, there were better contestants in the wild card show. for example, suzy vulaca (tama ba spelling?)
Matt -- i don't like his voice but he's so cute and he's so playful.
Amy -- she has the spunk, the attitude and the voice.
Camile -- i love her voice. its rnb-ish, soul-ish type. i like her style. and she's filipino.
JPL -- he's cute. and his last performance was better than John Stevens'.
Jennifer -- she's got the attitude. she shows improvement every week. but i think that america doesn't love her because i think that she was always in the bottom 3. i don't know. i just don't like her. but she has a powerful voice.
John -- very unique voice kaya limited lang ang songs na pwede niyang kantahin. ang songs na na-reremember ko sa kanya ay ang: she's always a woman to me at king of the road.
George -- ang ganda ng boses. may dating. ang ganda ng boses. at ang huff bounce. ang ganda ng boses.
La Toya -- the best singer in the competition. class, attitude, voice and 'it' factor.
Jasmine -- cute. good voice. pero hindi talaga nakaka WOW. cute. and pinai!
Diana -- maganda ang boses pero hindi ko siya gusto.
Fantasia -- the next American Idol.