Monday, May 17, 2004

ang dami na palang nangyari sa akin at hindi ko man lang na-uupdate itong blog ko...

THE BABY IS NOW A LADY
Rizsa Rose Silang Baer, happy birthday to you! i am so sorry at wala ako diyan. gusto ko talagang pumunta sa birthday mo pero hindi talaga pwede. i love you my friend. you are so good and kind. you are one of a kind. i love you riz.

ALIAS Season 3
nabasa ko na ang lahat ng episodes ng season 3 ng ALIAS. ang asteg ng mga mangyayari at hindi na ako makapaghintay. asteg talaga! i really can't wait.

SURVIVOR
yipee! kahit na hindi nakasama si rupert sa final two. nanalo pa rin siya dahil sa votes ng mga tao. he really deserved it. he's so charming kaya ang daming may gusto sa kanya. way to go rupert!

CAP
umm... nung pumunta ako sa CAP Building sa may makati may nakita akong mascian. wala lang. natuwa lang ako.

TRINITY COLLEGE
its official. goodbye UP na talaga! nakapag-enroll na ako at nagpatahi na ako ng uniform. nagpapic na rin ako para sa id ko. nakakalungkot dahil sayang ang aking slot. kaasar talaga! oh well... theres a reason for everything... ano kaya ang reason NIYA?

TAXI DRIVERS
marami akong na-encounter na mga taxi drivers. soobra... yung isang time nung papunta akong trinity, dapat sasakay ako ng fx. so, pumara ako ng fx. dapat dun sa gitna ako sasakay pero sabi nung mamang drayber dun na daw ako sa harap. eh di dun ako. tapos inalok ko siya ng french fries. hehe. tapos may babaeng sumakay. sabi niya din dun sa babae dun sa harap kaya lang hindi nakinig yung girl. wala lang. gusto niyang sunud-sunod yung mga pasahero niya.

yung isang taxi driver encounter naman ay nung papunta kaming JVC repair center. sabi ko sa driver sa may magallanes yun. eh sa may magallanes naman talaga kaya lang pumunta siya sa may magallanes village yata... nagalit ba naman. nagtitimpi lang ako. grabe. kaasar.

kanina. yung taxi driver nagalit kasi sarado yung makati av. wala lang. mura siya ng mura eh.