ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa blogspot at hindi na publish yung latest entries ko... grr...
anyway, katatapos pa lang ng Alias at nakakabitin na naman ang ending. eh, ako pa naman ay napaka-impatient, so, inet kaagad ako at basa ng mga spoilers. so, alam ko na ang next na mangyayari. hehe
kasalukuyan kong pinakikinggan ang album ni Nyoy Volante with Mannos. parang lullaby yung mga kanta niya. fourth track pa lang ako eh. okay naman yung mga songs na napakinggan ko.
kaninang umaga pumunta ako at ang aking kapatid sa st scho para bayaran ang kanyang kulang sa tuition niya. here goes super ate! nyak! anyway, pagkatapos namin makuha yung card niya at yung mga payment schemes ay diretso na kaming masci. pagdating ko ay sinabi ng mga peeps na wala pa daw ang yearbook. umalis na lang kami ng aking sister.
rob. kumain kami sa tokyo tokyo. first time ng kapatid ko. hehe. natuwa naman ako kasi nabusog siya. tapos nun nakasalubong namin ang mga townes personalities. ayun konting kamustahan. umalis na kami ng kapatid ko. nakasalubong namin ang urey '02 personalities. niyaya nga kaming manood ng sine kaya lang ayaw ng kapatid ko. so, pumunta na lang kami sa pink box. gusto rin niya kasi yung bracelet ko. binili ko siya tapos bumili na naman ako ng mga scrunchies. tapos nun ay naglakad lakad kami. napagdesisyonan namin na magpa-studio. ayun, picture picture. dumaan kaming odyssey at bumili ako ng first original cd ko ang album ni nyoy tapos bumili din ako ng tape ng mymp. naaasar nga lang ako nung nandoon kami sa odyssey kasi may couple na ang yabang. basta, nilalait nila yung mymp. wala lang. hindi ako fan pero exagg sila manglait. sheesh. tapos, dumaan kami gift gate. tingin ng trinkets at kung anu ano pa. umalis na kami. daan kaming blue magic. bumili ng gift para kay mama para sa mother's day. hehe. kinuha namin yung pic. umuwi na kami.
sumakay kami sa fx. ang baho ng fx na nasakyan namin. as in! parang socks na nabubulok. basta! buti na lang may hanky kami ng kapatid ko. tsaka buti rin at sfonx yung katabi ko. hehe.
nag-usap kami nina ej at jessica sa fone. major telebabad session. ayun, muni muni sa life namin nung first year. ang saya saya talaga. high school is very memorable talaga. we all have our share of laughters and tears. and i am so proud and happy to be part of masci batch owpor. 04 rules! grabeh! hay. miss ko na si jessica at ej at si ano at si ano pa...
so, tapos nun ay binasa ko yung purpose driven life. hindi pa ako nakakagawa ng reflection ko pero gagawin ko right after this entry. siya nga pala, i am ready to discover and start living GODs purpose for my life.
my oprah mamaya tungkol sa csi. papanoorin ko nga.
trinity college, please be good to me... hindi pa ako enrolled.
GOD Bless...
happy birthday EDWARD MICHAEL TORRES MANGALIMAN!
welcome back LEO GLENN ACUÑA GONZALES!
waah.