Naku. Pasensya at hindi ako nakapag-update. Eh kasi naman ubos na yung prepaid ko.
Anyway, marami-rami din naman ang nangyari sa akin noong nakalipas na mga araw. Karamihan ay magaganda. Masaya nga ako eh.
One week before April 29 ay nag-umpisa na akong magreview para sa test ko sa Trinity College. Yung review ko ay hindi naman OA sa pagrereview. Yung tipong sasagot lang sa mga alam na questions. So, ayun. Napansin ko ang dami ko palang mga review materials. Ang dami kong pina-photocopy sa iba't ibang tao tapos may MSA review books pa ako. Ang nagamit ko lang sa mga iyon (last year tsaka ngayong year), ay yung MSA at yung ibang Math review materials ni Nabong at ni Rizsa. Ang dami talaga. Hindi ko naman nagamit. As in soobrang dami! Lagpas one ream! Ang mahal noh?
April 28. Pumunta kaming JVC Repair Center sa may Guadalupe, Makati near Rockwell. Nasira kasi yung TV namin. Bukas ko pa nga makukuha eh. Nakakaasar may na miss na akong episode ng Alias. Sayang! Ang mahal! Mga less than Php 4,000 ang babayaran ko. Take Note: KO! As in with my OWN money eh kasi, hindi pa nagpapadala ng money si mama, eh. So, ayun. Kung sa bagay, ako rin naman ang makikinabang.
April 29. My test was supposed to start at 9 o'clock pero nag-start siya around 9.30 nah. Marami kasi ang late, eh. Muntik na akong ma-late, actually. Mga 8:50 na yata ako nakarating. Anyway, four-part-test siya. Umm... Nagulat nga ako, eh, kasi walang Science. Bali, English, Math, Verbal sumthin (parang , and OLSAT. Sa totoo lang, iba pa yung tawag nila sa English and Math. Yung English ay pure error detection. Yung Math, umm, no comment. Baka mangyari yung nangyari sa akin sa UST. Yung Verbal, pure english-related-analogy. OLSAT naman ay mixed test. May Math at may Abstract. Less than 3 hours lang yung test at all in all ay 190 yung items. (Pag pumasa ako magbibigay ulit ako ng 'review')
In fairness sa Trinity, maganda naman ang school nila. Siguro mga kasing laki niya yung MaSci pero pahaba. Malinis siya. Tsaka yung color combination makes me think of La Salle.
Siya nga pala, bago ko makalimutan, yung test proctor namin -- he reminds me of Sir Nuval. Ewan ko? As in. Actually, may pagka-bakla nga siya, eh, pero hindi halata. Pero, pramis, naaalala ko talaga si Sir Nuval. Siguro, yung mga hirit na jokes. Hay! Ewan!
Pagkatapos nung test ay pumunta akong Robinson's Place nang mag-isa. Umm... Napansin ko, nagswitch pala yung Entrance and Exit nila. Umm... Nakaka-ewan mag-mall-ing nang mag-isa. Kumain ako sa McDo tapos pumunta ako sa Heavenly Stitching (Stitches) para bumili ng mga DMCs. Bumili ako ng 10 na DMCs at hindi ko alam na nag-increase na pala sila. Mga Php 10.00 lang yun eh tapos hindi ko alam na Php 12.50 na pala siya! Grabeh! Binili ko pa rin naman. So, yun. Bumaba na ako. Tapos may napansin akong stall. Ang cute nung stall. Ako naman ay tumingin. 'Yun na pala ang stall na matagal ko ng hinahanap. Pink Box -- yan yung name nung stall. Mga girlie stuff yung tinitinda nila. Mga scrunchie, mga personalized bracelets, anklets, necklace, key chains atbp. Bumili ako ng scrunchie (pink+blue, brown+flesh, light blue+light green, purple+yellow). Bumili din ako ng personalized na bracelet (alam ni AK kung anong klaseng bracelet 'yun kasi nagpabili ako dati sa kanya eh...). Yung mga scrunchie tig-20 or 25 lang. Yung bracelet band was worth Php 120.00 tapos yung letters Php 20.00 each. Grabeh! Yung bill ko umabot ng Php 305.00. Ang gastos ko talaga! Pagkatapos sa Pink Box ay pumunta akong National Bookstore. Supposedly, bibili ako ng book at ng scrapbook thingies, pero I ended up buying The Purpose Driven Life and The Purpose Driven Life Journal. May mga binili din ako na iilang bagay. Umabot ang aking ginastos ng mga Php 400 ++. Grabe talaga! Ang gastos ko! Pumunta akong Papemelrotti (single l or double l?). Pero, hindi na ako bumili. Ayun, window-shopping! Nakakaasar! Dapat ay may money pa ako para nakabili pa ako ng t-shirt! Grr...
Money, money, money.
Bukas na nga pala yung results sa Trinity.
Sinimulan ko na yung The Purpose Driven Life. Ang ganda niya!
Hindi ko alam kung makakapunta ako sa birthday ni Rizsa. Waah...
VOTE WISELY!
GOD Bless us!