kagigising ko lang. ang init! sobra! ulit... ang INIT!!! sobrang init talaga. kung pwede ko lang buksan ang aircon ngayon, ginawa ko na. eh, kaya lang, hindi pwede eh. kailangan pa ring magtipid.
nalaman ko na yung results dun sa st. lukes college of nursing a.k.a. trinity college of quezon city test ko. pumasa ako! i am so happy -- not! napaka-ipokrita ko kung sasabihin kong napakasaya ko dahil pumasa ako sa test na yun. masaya ako kasi at least, may school na akong papasukan. malungkot ako kasi goodbye UP na talaga! siguro nga ay mas makakabuti sa akin kung magiging nurse ako. ewan ko kung paano siya makakabuti pero alam ko may magandang mangyayari.
siya nga pala, naaalala niyo pa ba yung pinost ko dito, dati. yung maglalakad ako ng paluhod pagpumasa ako. ginawa ko na po siya kanina. pagkatapos kong malaman na pumasa nga ako, eh, pumunta ako at si yaya sa quiapo church para tuparin yung promise ko kay GOD. nagmass muna tapos ay naglakad na ako. actually, dapat nga ay hindi na ako maglalakad ng paluhod kasi sabi ko baka pwedeng bigyan ko na lang siya ng flowers eh, sabi ni yaya dapat ay gawin ko yung pinangako ko, kaya ayun, ginawa ko nga. umm... may mga kasabay din akong naglakad. ako ang pinaka-youngest. hehe... akala ko ay napaka-walkable nung aisle kasi mukhang malinis at mukhang free from very harmful debris, pero sobrang madumi at may mga maliliit na butil ng mga bagay na ewan ko kung ano. ang haba ng aisle. ang sakit ng aking tuhod. sa totoo lang, nagkaroon ako ng mga abrasions sa aking tuhod. sobrang sakit. ilang beses akong nagpause kasi ang hirap talaga. aside from the fact na ako ay top heavy, ang daming mga elements na talagang mapapasuko na ako. sobra talaga ang sakit. umiyak nga ako nung na-reach ko yung altar kasi ang sakit talaga ng tuhod ko. pero bilib ako sa sarili ko at kay LORD dahil hindi niya hinayaan na mag-give up ako at hindi ko naman hinayaan na ma-disappoint ko si GOD. ang sakit talaga.
oi guys, kitakits bukas sa school.
vote WISELY.
bye UP.
GOD bless us.
shocks, hindi ko pa binabasa yung Purpose Driven Life Day 6...
love you guys...